Shucks. Nakakastress ang pamilya ko nang bongga. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanila. Nakakaiinis kapag naiisip ko na ganito ang pamilya ko. Kasi kahit may mga kuwento dyan na may mga tao na walang-wala noon, dahil sa pagsisikap ay may nararating sila, hindi naman nababanggit dun na dysfunctional din ang pamilya nila amidst that. In fact, if you observe more, most successful people get there dahil sa outstanding support at way ng pagpapalaki sa kanila ng magulang nila and the environment where they grew up. Shucks. Nakakaasar lang yung feeling na andami mong pangarap hindi lang para sa sarili mo pero para sa buong pamilya mo dahil kahit papaano’y mahal mo pa rin sila pero narerealize mo lang in the end na hindi naman sila nakiki-cooperate. In the end, ako lang ang maghihirap at aasa lang lahat sila sakin. Shet. At alam mo ba kung anong ugat ng saloobin kong ito? Natrigger lang naman sya kani-kanina lang ng kapatid kong hindi marunong or at least tamad lang talaga kumilos para maghanda ng pagkain nya or for anything for that matter. Shet. Para rin syang kuya ko na walang ginawa kundi utusan ako na magluto ng pagkain pag pinagligpitan na sya dito or itimpla sya ng juice pag lasing sya. Ano bang tingin ng mga kapatid ko sakin? Or ano bang tingin nila sa mga sarili nila ha? Josko, eh kung ganito lang naman kami habang buhay eh magpapakalayo-layo na lang ako sa kanila. Ayoko nang madamay sa kalokohang ito ng pamilya ko. Punyemas. Saan ka naman nakakita ng ganitong pamilya ha? Parang wala silang ibang inattract kundi problema. Grrrr. Pati tuloy ako nahahawa at nadadamay. Why oh why? Ayoko na ng ganitong situation. Mahina pa naman ang loob ko tapos ganito pa. Huhu. Pinanghihinaan ako ng loob. Ayoko na. Suko na ko.
Family Issues