Hindi ko alam kung anong gusto kong isulat ngayon. Nagtataka pa ako sa sarili ko kasi andami-dami ko pang kailangan gawin pero heto ako at nagtytype ngayon ng isang wala na namang kuwentang post. Minsan pumapasok na sa isip ko na hindi ko dapat iniintindi ang sinasabi ng iba. Bahala na kung isa na akong pariwarang nilalang (groupmate, kaibigan, kapamilya, whatever) pero hindi ko naman kasi kayang maging lahat iyon para sa kanila. Tutal, tao lang naman ako. I can never be perfect. Dapat nga lang gawin ko rin lahat ng makakaya ko. Pero hindi na siguro dun sa point na sa sobrang dami ko nang gusto at kailangang gawin eh wala akong nagagawa in the end. Nakakainis. Nakakainis talaga dahil hindi ko rin maaasahan nag ibang tao sa paligid ko para pasayahin ako kasi lahat sila katulad ko rin. Maraming ginagawa, maraming inaasikaso. Pero minsan mas masaya pa rin sila. Naiinggit ako. Sana mas onti ang problema ko at mas may panahon at kakayanan akong maging masaya. Hay. Gusto ko nang matapos ang sem na ‘to. Sobrang toxic na kasi. Hindi ko pa alam ang naghihintay sakin sa susunod na semestre bilang hindi ko pa sigurado kung ako’y nasa aking kurso pa rin pero basta, I’ll try to make next sem a lot better! Miss ko na maging GC. Miss ko na mag-enjoy kahit papano sa mga klase ko. Miss ko na umuwi ng maaga dito sa bahay. Miss ko na matulog magdamag at ayos lang kahit bukas na ako magising. Marami na akong namimiss sa mundo! Mundo, o, mundo! Mahina pa naman ako pagdating sa mga puyatan at lahat ng mga nararanasan ko na ngayon. Gusto ko na sumuko! Parang hindi ko na makita kung bakit pa ako nabubuhay. Kung alam ko rin naman na hindi magiging maganda ang kinabukasan para sa akin. Hay…
Ano kayang dapat kong gawin…
Miss ko na rin si Lord.